Font Size
Mga Awit 89:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Awit 89:26-28
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
26 Ako'y tatawaging Ama niya't Diyos,
tagapagsanggalang niya't manunubos.
27 Gagawin(A) ko siyang panganay at hari,
pinakamataas sa lahat ng hari!
28 Ang aking pangako sa kanya'y iiral
at mananatili sa aming kasunduan.